100% full capacity sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1, pinayagan na ng IATF

81

Inamyendahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang panuntunan sa implementasyon sa pagpapatupad ng Alert Level System ng bansa.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar, pinapayagan na ng IATF na mag-operate ng full capacity o 100% capacity ang mga establisyemento na sakop ng Alert Level 1.

Pero kinakailangan aniyang makapagpakita ng katibayan o proof of full vaccination ang isang indibidwal bago ito makilahok sa alinmang pagtitipon o hayaang makapasok sa indoor establishments.


Sa pamamagitan nito, makakabawi ang mga negosyo, makakabalik na sa trabaho ang ating mga kababayan at magtutuloy-tuloy na ang pagsigla ng ating ekonomiya kahit na nananatili pa rin ang pandemya.

Facebook Comments