Personal na inimbitahan ni Manay Gina si DPWH Secretary Vince Dizon, pati ang mga DPWH Undersecretary tulad ni Usec. Calma, upang tutukan ang problema ng baha sa lungsod at pag-aralan ang mga posibleng pangmatagalang solusyon.
Hinimok din ni Manay Gina ang DPWH na pag-aralan ang sistemang ipinatupad sa Saint John The Evangelist Cathedral sa Dagupan, na napatunayang nakatulong sa pagkontrol ng baha sa lugar.
Dahil dito, personal na nagtungo sa Dagupan kahapon, Setyembre 17, si Secretary Dizon, kasama sina Manay Gina at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, upang makita mismo ang sitwasyon at talakayin ang mga konkretong hakbang laban sa baha.
Kabilang sa mga planong solusyon ang pagtatayo ng dalawang malalaking water detention facility sa Lasip Chico at City Plaza, na gagamit ng konseptong katulad ng sistema sa Saint John Cathedral.
Isinusulong din ang tuloy-tuloy na dredging ng Sinocalan River upang mapabuti ang daluyan ng tubig at makatulong sa agarang pagbawas ng pagbaha.
Ayon kay Congresswoman Gina de Venecia, may dahilan nang umasa ang mga Dagupeño na matagal nang naghihirap dahil sa paulit-ulit na pagbaha.
Mahalaga rin, anya, ang pagkakaisa ng DPWH, Kongreso, Simbahan at Dagupan LGU upang maisulong ang mga konkretong hakbang tungo sa pangmatagalang solusyon sa problema ng baha. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








