Sumailalim sa dalawang araw na Leadership Training cum Team Building ang mga opisyal, miyembro at mga incoming officers ng mga Barangay Kalipunan ng Liping Pilipina o KALIPI Associations upang higit pang mapaunlad ang kanilang kakayahan sa pamumuno at pakikipagtulungan.
Isinagawa ang pagsasanay sa suporta ng Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Alaminos sa pamamagitan ng Hundred Islands Kapisanan ng Liping Pilipina o HIKALIPI.
Layunin ng programa na bigyang-kaalaman at kasanayan ang mga kababaihan upang maging mas epektibong lider, mapalakas ang kanilang kumpiyansa at malinang ang pagkakaisa sa pagsusulong ng mga programa at aktibidad sa kani-kanilang barangay.
Patuloy namang sinusuportahan ng lokal na pamahalaan ang mga pagsasanay at programang naglalayong palakasin ang kakayahan, karapatan at partisipasyon ng kababaihan sa pagpapaunlad ng komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







