Patuloy na nakaalerto ang Barangay Disaster Risk Reduction and Management (BDRRM) Team ng Barangay Pocalpocal upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa gitna ng nararanasang tuloy-tuloy na pag-ulan.
Ayon sa pinakahuling ulat ng BDRRM, patuloy na mino-monitor ng kanilang mga tauhan ang Ayusan Creek at Ruar Mangas Creek upang masubaybayan ang lagay ng tubig at maiwasan ang anumang panganib sa mga motorista at residente.
Sa kasalukuyan, nananatiling madaraanan ang mga tawiran sa Ayusan Creek at Ruar Mangas Creek, at wala pang naitatalang pagsasara ng mga kalsada sa lugar.
Hinihikayat naman ng BDRRM Team ang publiko na manatiling mapagmatyag at agad na iulat ang anumang pagbaha, natumbang puno, panganib sa kalsada, o iba pang sitwasyong pang-emergency sa kanilang lugar upang agarang maaksyunan ng mga kinauukulan.
Pinapaalalahanan din ang lahat na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso at unahin ang kaligtasan sa lahat ng oras. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











