
Para kay House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio, karapat-dapat ang pasya ng Sandiganbayan na huwag alisin si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan bilang isa sa mga akusado sa graft case na may kaugnayan sa flood control scandal.
Giit ni Tinio, hindi maaring pahintulutan ang mga utak ng katiwalian na gawing state wintess at hayaang makalusot sa pananagutan.
Katwiran ni Tinio, isa si Bonoan sa mga opisyal na naglatag at nagpatupad ng maanumalyang flood control projects na lumimas sa bilyun-bilyong piso pera ng taumbayan.
Buo rin ang paniniwala ni Tinio na isa si Bonoan sa mga pangunahing opisyal na makakapagdetalye sa pagkakasangkot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa flood control scam.
Dagdag pa ni Tinio, bilang dating kalihim ng DPWH ay direktang alam si Bonoan sa paglalaan, paggastos at paglilipat ng mga pondong nakalaan sa mga proyektong pipigil sana sa malawakang pagbaha.










