SDO DAGUPAN CITY, NAKIISA SA SELEBRASYON NG ARAW NG KALALAKIHAN UPANG ISULONG ANG GENDER EQUALITY AT WELLNESS

Nakiisa ang Schools Division Office (SDO) Dagupan City sa pagdiriwang ng Selebrasyon ng Araw ng Kalalakihan bilang bahagi ng pagsusulong ng gender equality at pangangalaga sa kalusugan at kapakanan ng mga kawani.

Pinangunahan ng Gender and Development (GAD) Focal Persons ang naturang aktibidad, na naglalayong palakasin ang kamalayan sa pagkakapantay-pantay ng kasarian at isulong ang isang mas inklusibong lugar ng trabaho.

Tampok sa programa ang libreng almusal para sa mga dumalo, sinundan ng movie screening na may temang “SINEmen: No Drama, Just JUAN Have Fun!” Nagkaroon din ng libreng pagpapagupit, pain management services, at libreng medical check-up at pamamahagi ng mga gamot sa tulong ng Pamahalaang Lungsod ng Dagupan at iba pang katuwang na institusyon.
Sa pamamagitan ng naturang programa, muling pinagtibay ng SDO Dagupan City ang layunin nitong isulong ang isang ligtas, pantay, at inklusibong lugar ng trabaho, habang binibigyang-halaga ang kalusugan, kapakanan, at kabuuang wellness ng bawat kawani. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments