RIMC, SUMAILALIM SA VALIDATION NG PHILHEALTH PARA SA MAS ABOT-KAYANG REHABILITASYON

Posibleng maging mas abot-kaya ang mga serbisyo sa rehabilitasyon para sa mga pasyente sa Northern Luzon matapos sumailalim sa validation ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) Regional Office 1 ang Physical Medicine and Rehabilitation Unit ng Region 1 Medical Center (R1MC) noong Hulyo 16.


‎Layunin ng isinagawang validation na tiyakin kung handa at sumusunod ang pasilidad sa mga pamantayan para sa pagpapatupad ng PhilHealth Benefit Package para sa Physical Medicine, Rehabilitation Services, at Assistive Mobility Devices.

‎Kapag naaprubahan, inaasahang mababawasan ang gastusin ng mga pasyenteng nangangailangan ng physical therapy, occupational therapy, psychological services, at mga assistive mobility device. Magbibigay rin ito ng mas malawak na akses sa mga serbisyong rehabilitasyon para sa mga nangangailangan sa buong rehiyon.


‎Ayon sa PhilHealth, bahagi ang hakbang na ito ng pagpapalawak ng saklaw ng mga benepisyong pangkalusugan upang mas maraming Pilipino ang makakuha ng de-kalidad at abot-kayang serbisyong medikal.

‎Samantala, itinuturing din ang validation bilang mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng kakayahan ng Region 1 Medical Center na makapaghatid ng mas espesyal at nakasentro sa pasyenteng serbisyong pangkalusugan, kasabay ng layunin ng pamahalaan na gawing mas accessible at patas ang healthcare para sa lahat. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments