March inflation rate sa bansa, inaasahang papalo sa 3.7% – BSP

52

Inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na papalo sa 3.7 percent ang inflation rate ng Pilipinas para sa buwan ng Marso.

Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, bibilis ito bunsod ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, kuryente at karne kasabay na rin ang pagtala ng mas mahinang palitan ng piso kontra dolyar.

Bagamat wala pang indikasyon ito ng pagtaas sa policy rates ay sinabi ni Diokno na patuloy na babantayan ng BSP ang pagbabago sa presyo ng pangunahing bilihin at ang posibleng epekto nito sa cost of living.


Matatandaang sinabi ng BSP na naka-angkla ang kanilang inflation expectation sa pagitan ng 2 hanggang 4 percent.

Facebook Comments