Mary Jane Veloso, binisita ng kanyang pamilya sa Indonesia

Muling nakapiling ng Filipina death row inmate na si Mary Jane Veloso ang kanyang pamilya makalipas ang limang taon.

Sa statement na inilabas ng Migrante International nitong Miyerkules, nakasaad na dalawang araw na binisita si Veloso ng kanyang mga magulang at dalawang anak sa Wonosari Prison sa Yogyakarta, Indonesia.

Ayon Nanay Celia, masaya ang kanilang pamilya na makita at mayakap muli si Mary Jane.


Hiling naman ang panganay na anak ni Mary Jane na mabigyan na ng clemency ang kanilang ina para makasama na nila ito sa Pilipinas.

Samantala, nanawagan din si Migrante International Chairperson Joanna Concepcion kay Pangulong Bongbong Marcos na maging proactive at umapela sa gobyerno ng indonesia na pagkalooban si Veloso ng clemency.

Taong 2010 nang mahatulan ng death penalty si Veloso dahil sa drug trafficking.

Facebook Comments