Ipinatupad ang mas maagang iskedyul ng klase sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa bayan ng Bani, Pangasinan, dahil sa patuloy na pagtaas ng temperatura at matinding init ng panahon.
Sa ilalim ng Executive Order No. 45, Series of 2026, na inilabas ni Bani Mayor Facundo O. Palafox Jr., inatasan ang mga paaralan na baguhin ang kanilang class schedules upang maiwasang malantad ang mga mag-aaral sa matinding init, lalo na sa tanghali.
Batay sa bagong iskedyul, magsisimula ang klase sa mga pampublikong paaralan 6:00 umaga hanggang 10:30 umaga.
Samantala, 7:00 umaga hanggang 12:00 tanghali naman ang ipatutupad na class schedule sa mga pribadong paaralan.
Layunin ng naturang hakbang na mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral at mabawasan ang posibleng epekto ng matinding init sa kanilang pag-aaral. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








