Pinalalawak ng Lokal na Pamahalaan ng Tayug ang mga oportunidad para sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaalaman hinggil sa mga alternatibong pagtatanim ng tabako na maaaring magsilbing dagdag na mapagkukunan ng kita.
Isinagawa ang talakayan at forum hinggil sa alternatibong pagtatanim ng tabako sa bayan, na naglalayong mabigyan ang mga magsasaka ng karagdagang kaalaman at mga pagpipilian sa kanilang pagsasaka.
Pinangasiwaan ito ni Municipal Agriculturist Rosario “Rey” Licayan, katuwang ang mga kinatawan ng Universal Leaf Philippines, Inc. at National Tobacco Administration o NTA.
Mahalaga ang talakayan upang magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga magsasaka at matukoy ang mga pananim na maaaring makatulong sa kanilang kabuhayan.
Patuloy naman ang lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mga programa at inisyatibang nakatuon sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura at pagbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga magsasaka. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










