Friday, May 8, 2026

Ilang mga grupo, nagkasa ng kilos-protesta sa tapat ng Camp Aguinaldo para kondenahin ang Balikatan Exercise

Nagkasa ng kilos-protesta ang ilang mga grupo sa tapat ng Camp Aguinaldo ngayong araw para kondenahin ang Balikatan Exercise.

Dinaluhan ito ng mga grupong Bagong Alyansang Makabayan, Kilusang Mayo Uno, Alliance of Concerned Teachers at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.

Ayon sa mga nagprotesta, ginagamit lang umano ng US ang Pilipinas bilang training at staging ground para sa military power projection nito.

Dagdag pa nila, ang pagpapaputok ng Tomahawk, paggamit ng live fire weapons at paglalagay ng missile sa Batanes ay magdudulot ng panganib sa mga komunidad.

Nabatid na ngayon ang closing ceremony ng nasabing pagsasanay na sinimulan noong April 20 at nilahukan ng nasa higit 17 libong sundalo mula sa Pilipinas, US, Australia, Canada, France, Japan at New Zealand.

Facebook Comments