Friday, September 18, 2026

Sen. Bong Go, napaluha at nalungkot nang makita ang dating pangulo sa pagharap nito sa ICC

Hindi napigilan ni Senator Christopher “Bong” Go na mapaluha nang muli niyang masilayan si dating Pangulong Rodrigo Duterte nang humarap ito sa third status conference ng International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Go, masaya siya na muling makita si dating Pangulong Duterte kahit man lang sa litrato at sa telebisyon matapos ang higit isang taon nang dalhin ito sa The Hague.

Gayunman, nalungkot at sumikip ang kanyang dibdib at hindi niya napigilang mapaluha dahil higit pa sa totoong tatay ang turing niya rito at mahirap isipin na malayo ang dating Pangulo na aniya’y nagmahal ng buong puso sa bansa.

Napuna ni Go ang pagtanda rin ng itsura ni Duterte na marahil ay dahil sa matinding kalungkutan sa kanyang pagkakawalay sa bansa at sa pamilya.

Nanawagan ang senador na patuloy na ipagdasal ang kalusugan at maayos na kalagayan ni FPRRD dahil sa edad nito, tiyak na mahihirapan ito sa paglilitis.

Facebook Comments