
Naniniwala ang pamunuan ng Department of Agriculture (DA) na pansamantala lamang ang mataas na presyo ng baboy at maikukunsiderang umanong panandaliang isyu lamang na maaaring matugunan sa mga darating na araw, partikular kapag mayroon nang commercial na bakuna para sa African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na nagkasundo ang mga producer ng karne ng baboy, traders, at retailers na i-review ang kanilang gastusin sa layuning mabawasan ang presyo ng karne ng baboy na lumalaking alalahanin para sa mga consumer.
Paliwanag pa ng Kalihim na kanyang pinatawan ang mga lider ng traders at retailers ay upang matukoy ang mga dahilan sa pagtaas ng presyo ng baboy at ma-assess kung kailangang magtakda at magpatupad ng Maximum Suggested Retail Price (MSRP) para mapagaan ang pasanin ng mga consumer.
Dagdag pa ni Laurel, sinisikap nilang magkaroon ng balanse sa interes ng mga consumer at ng mga nasa pork industry.
Giit pa ng Kalihim na ang presyo ng frozen import na karne ng baboy ay kasalukuyang nasa P250 per kilo, habang ang lokal na karne at ibinebenta sa mahigit P400 kada kilo.