
Hindi natatakot si Senator Imee Marcos sa “kill joke” na binitawan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa pagpatay sa 15 senador para makapasok ang mga manok na senador ng PDP-Laban.
Ayon kay Sen. Marcos, posibleng “balakid” ang mga apektado at umaalma sa “kill joke” ng dating Pangulo kaya sila kinakabahan.
Pabiro pang sinabi ng senadora na ang salitang “balakid” kapag binaligtad ay “di-ka-lab” (hindi ka love) na ang pinatutungkulan ay ang mga pumapalag sa biro ni Duterte.
Sinabi ni Sen. Marcos na “love” naman siya ng mga Duterte kaya hindi siya natatakot sa “kill joke”.
Dagdag pa ng mambabatas, sanay naman na ang lahat sa “Davao trashtalk”, ito man ay masama o mabuti, sabay hirit na palibhasa hindi siya balakid kaya hindi siya natatakot sa ginawang biro ni Duterte.