US President Trump, sinalubong ng malakas na palakpakan sa special gala dinner ng ASEAN Summit

234

Pasay City – Sinalubong ng malakas na palakpakan si US President Donald Trump sa special gala dinner ng 31st ASEAN Summit SMX Convention Center sa Pasay City.

Suot ang barong tagalog, sinalubong si Trump at iba pang mga bisita nina Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang partner na si Honeylet Avanceña.

Naging mas mahaba naman ang usapan nina Trump at Duterte kumpara sa ibang world leader na dumalo sa gala dinner.

Bukod kay Trump, dumalo rin sa okasyon sina Canadian Prime Minister Justin Trudeau, Russian Prime Minister Dmity Medvedev, United Nations Secretary General Antonio Guteres, at Chinese Premiere Li Kequiang.

Bukod sa mga nabanggit na lider, nasa gala din ang ibang world leader na kasapi sa ASEAN countries at ang mga dialogue partner na bansa.

Facebook Comments