Matibay na bilateral relations sa pagitan ng Japan at Pilipinas, tiniyak ng liderato ng Kamara

Ginarantiyahan ni House Speaker Martin Romualdez na mananatiling matatag ang mahabang panahon ng relasyon sa pagitan Pilipinas at Japan.

Tiniyak ito ni Romualdez mismo kay Japanese Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko.

Si Kazuhiko ay nag-courtesy call kay Romualdez sa House of Representatives at kanilang tinalakay ang kung paano mapapatibay ang ugnayan at kooperasyon ng Japan at Pilipinas lalo na sa larangan ng pagpapasigla ng ekonomiya.


Kasama sa courtesy call ni Kazuhiko ang Senior Representative of Japan International Cooperation Agency (JICA) na si Kuronuma Kenji at ilan pang opsiyal ng Japan.

Pinasalamatan naman ni Romualdez ang JICA sa pagkakaloob nito ng humanitarian assistance o tulong sa ating bansa kasunod ng malakas na lindol yumanig sa mga lalawigan sa Hilaga.

Facebook Comments