Wednesday, August 12, 2026

PBBM, ininspeksyunin ang paglilinis ng basura sa Manila Bay at Parañaque City

Makapal na basura ang bumalot sa bahagi ng Manila Bay sa Jose W. Diokno Boulevard, Pasay City, matapos ang malalakas na pag-ulan nitong mga nakaraang araw.

Kita sa lugar ang tone-toneladang plastik, styrofoam, bote at iba pang debris na inanod at naipon sa bahagi ng baybayin. May ilang bahagi ring halos matakpan ng basura ang ibabaw ng tubig.

Tuloy-tuloy naman ang clearing at waste collection operations, gamit ang mga excavator at barge para hakutin ang mga basurang naipon sa lugar.

Personal na ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong umaga ang operasyon sa Diokno Pumping Station dito sa Pasay City, upang tingnan ang ginagawang paglilinis at pagtanggal ng mga basurang inanod sa Manila Bay.

Matapos ang inspeksyon sa Pasay, tutungo rin ang pangulo sa Baclaran River sa Parañaque City para tingnan ang clearing at waste collection operations doon.

Facebook Comments