
Nakatakda ring magsagawa ng Balik Eskwela activity ang Office of the Vice President (OVP) sa Maynila, bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Ayon sa ulat, si Sara Duterte ay inaasahang dadalo sa Balik Eskwela sa Gen. Vicente Lim Elementary School sa Tondo sa Manila bukas, June 3.
Ito ay bahagi ng aktibidad ng Balik Eskwela kung saan nakikibahagi ang OVP sa paghahanda ng mga paaralan para sa milyun-milyong mag-aaral sa pagbubukas ng klase.
Karamihan sa mga paaralang tinutulungan ng OVP ay matatagpuan sa mga urban poor communities.
Facebook Comments










