Maute terror group na nakikipagsagupa sa militar sa Marawi, inabandona na ni Isnilon Hapilon ang Abu Sayyaf Group lider

227

Manila, Philippines – Inabandona na ni Abu Sayyaf group leader Isnilon Hapilon ang kanyang mga tauhan na nakikipagbakbakan sa tropa ng pamahalaan sa Marawi City.

Ito ay ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Marine Colonel Edgard Arevalo, base na rin sa salaysay ng mga sibilyan na kanilang na-rescue na sinasabing hindi na raw nila nakikita si Hapilon.

Ganito rin ang report na kanilang natatanggap mula sa grounds.


Pero paglilinaw ni Arevalo, sumasailalim pa sa kumpirmasyon ang naturang impormasyon.

Dahil sa pagtakas umano ni hapilon, sinabi ni Arevalo na isa itong indikasyon na unti unti nang nagtatagumpay ang militar sa pagpuksa sa teroristang grupo.

Sakali ngang nakatakas na si Hapilon sa Marawi, tiniyak ni Arevalo na tuloy ang pagtugis ng militar sa teroristang lider.



Facebook Comments