Magsasampa umano ng kaso ang may-ari ng ninakawang warehouse sa Barangay Pantal, Dagupan City kung saan dalawang suspek ang pumasok at nagnakaw ng nasa 50 packs ng boneless bangus.
Sa ibinahaging CCTV footage ng may-ari ng warehouse, kitang-kita ang pagmamasid ng mga suspek sa paligid bago pasukin ang lugar.
Nang makahanap ng tyempo, dito na pumasok ang mga suspek at saka ninakaw ang pake-pakete ng mga boneless bangus—ang isa, nagawa pang maglagay ng ilan pa sa nasabing produkto sa ilalim ng damit nito.
Sa kabilang banda, tinitiyak ng barangay ang kanilang mahigpit na seguridad at pagkakaroon ng mga foot patrol at paglilibot ang Lupong Tagapamayapa lalo na sa oras ng gabi.
Ngunit nagbigay paalala pa rin ang barangay na maging mapagmatyag sa paligid upang maiwasan ang ang ano mang uri ng insidente tulad ng pagnanakaw. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








