Sa panayam ng iFM News Dagupan, sinabi ni Fernandez na inimbitahan siyang lumahok sa pagpupulong kaugnay ng United Cities and Local Governments Asia-Pacific o UCLG ASPAC, kung saan kabilang sa pag-uusapan ang mga pangmatagalang hamon at pagpaplano ng mga lokal na pamahalaan hanggang 2045.
Ayon sa alkalde, mahalaga ang pagdalo dahil direktang may kinalaman sa mga problemang kinakaharap ng mga lungsod gaya ng climate change at urban development.
Kasama rin sa delegasyon ang mga opisyal na may kinalaman sa disaster risk reduction, fire safety at engineering dahil magkakaroon umano ng magkakasabay o parallel sessions sa aktibidad.
“Maraming parallel sessions and I like to attend. Kailangang bilang isang mayor, mag-aral ka nang mag-aral talaga.”
Bago ang kanyang biyahe patungong Indonesia, nakipagpulong si Fernandez sa mga kinatawan ng Department of Public Works and Highways.
Inaasahang gagamitin ng lokal na pamahalaan ang mga mapag-aaralan sa international gathering sa pagharap sa urban challenges, climate resilience at pangmatagalang pagpaplano ng Dagupan City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣












