‎Naging bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang isinagawang salo-salo at feeding activity para sa mga bata sa Barangay Lucao, Dagupan City.

‎Ipinagkaloob sa mga batang Dagupeño ang paboritong fried chicken kasama ang inumin at birthday cake bilang bahagi ng selebrasyon.

‎Sa pamamagitan ng naturang aktibidad, naihatid sa mga batang Lucao ang isang masayang salu-salo at munting handog bilang bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan ni Pangulong Marcos.

‎Naging pagkakataon din ang programa upang pagsama-samahin ang mga lider ng komunidad at mga residente sa isang simpleng pagtitipon para sa mga bata. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments