Meat vendor sa Mega Market ililipat muna sa gilid ng Fiesta Mall

Pansamantalang ililipat muna sa gilid ng Fiesta Mall sa Malagapas barangay RH-10 ang mga nagtitinda ng karne sa Mega Market.Ayon kay City Administrator Danda Juanday Ito ang napagkayarian sa kanilang pakipagpulong sa Market Adminstrator at mga negosyante at local na pamahalaan. Bakante kasi ang nasabing lugar na meron 300 stall na ang nakalagay, ngunit inaayos pa nila ngayon ang drainage dahil wala pang magandang drainage sa lugar at lalagyan pa nila ng ilaw. Kapag matapos ang drainage at paglalagay ng ilaw ay doon na ililipat ang mga meat vendor sa Mega market, mga vendors ng mga beef o Baka, mga karneng Kambing, Manok at Pork.

Facebook Comments