Umabot sa ₱543,000 na tulong pinansyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS ang ipinamahagi sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa San Nicolas, Pangasinan.
Pinakamalaking bahagi nito ang napunta sa medical assistance, kung saan ₱440,000 ang ipinamahagi sa 213 benepisyaryo.
Katumbas ito ng mahigit 81 porsiyento ng kabuuang pondong inilaan sa naturang distribution.
Samantala, ₱103,000 naman ang napunta sa burial assistance na ipinagkaloob sa 32 benepisyaryo.
Sa kabuuan, 245 benepisyaryo ang nakatanggap ng medical at burial assistance sa isinagawang pamamahagi.
Ang AICS ay programang nagbibigay ng agarang tulong sa mga kwalipikadong indibidwal at pamilyang nahaharap sa crisis situation, kabilang ang pangangailangang medikal at gastusin sa pagpapalibing.
Batay sa datos ng naturang distribution, higit apat sa bawat limang pisong ipinamahaging AICS assistance sa San Nicolas ang inilaan para sa pangangailangang medikal. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







