Mega Job Fair, ilulunsad ng DZXL Radyo Trabaho katuwang ang PESO San Jose del Monte Bulacan ngayong araw

Aarangkada na ngayong araw ang Mega Job Fair ng DZXL Radyo Trabaho Team katuwang ang San Jose Del Monte Bulacan Public Employement Service Office na gaganapin sa Star Mall Event Hall Lower Ground Floor ng Barangay Kayplan sa San Jose del Monte Bulacan.

Ang naturang Mega Job Fair ay may mayroong kaugnayan sa National Women’s Month Celebration na may temang ‘Serbisyong PESO, Tungo sa Pagbangon ng mga San Joseño’.

Para sa mga interesado magdala lamang ng higit sa limang resume dahil maraming pwedeng aplayan sa Mega Job Fair 2023 ng city government ng San Jose del Monte Bulacan PESO sa pakikipagtulungan ng DZXL Radyo Trabaho.


Ayon kay San Jose del Monte Bulacan Mayor Arthur Robes, magsisimula ang Mega Job Fair mamayang alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon

Ikinatuwa naman ng alkalde ang buong suporta ng DZXL Radyo Trabaho Team sa kanilang isinasagawang Mega Job Fair.

Facebook Comments