
CAUAYAN CITY – Muling nagbigay ng abiso ang Isabela Electric Cooperative 01 sa mga konsyumer kaugnay sa pagpuputol ng kuryente sa mga hindi nagbabayad ng kanilang konsumo.
Ayon sa kooperatiba, ang hakbang na ito ay alinsunod sa kanilang disconnection policy.
Kabilang sa mga puputulan ng kuryente ay mga konsumer na may isang buwan o higit pa na pagkakautang sa kanilang konsumo sa kuryente.
Layunin ng inisyatibong ito na matugunan ang pangangailangan ng kooperatiba nang hindi humantong sa pagkalugi at nang sa gano’n ay tuluy-tuloy pa rin ang kanilang pagsusuplay ng elektrisidad sa lahat ng konsyumer nito.
Samantala, hinihikayat din ng ISELCO-1 ang Memeber-Consumer-Owners na ugaliing magbayad ng buwanang bayarin siyam (9) na araw pagkatapos matanggap ang Statement of Account (SOA).