UNANG BAYBAY FESTIVAL NG BUGUEY, IPINAGDIWANG; BULONG-UNAS AT PANDAN, ITINAMPOK

CAUAYAN CITY – Ipinagdiwang ng bayan ng Buguey, Cagayan ang kauna-unahang Baybay Festival at itinampok ang bulong-unas fish at pandan plant bilang pangunahing produkto ng bayan.

Pinangunahan ni Mayor Licerio Antiporda ang pagbubukas ng selebrasyon at binigyang-diin ang kahalagahan ng pangangalaga sa baybaying-dagat, upang mapanatili ang likas-yamang dagat na ikinabubuhay ng mga residente.

Lumagda naman sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang LGU Buguey kasama ang BFAR, DA, at DTI para sa pagtatayo ng Pandan Seedling Propagation Center.

Nagbigay kulay sa pagdiriwang ang Stylized Folk Dance Competition, at “Kusina ni Ceri” Cookfest, kung saan ibinida ang iba’t ibang putahe ng bulong-unas tulad ng Bulung Unas Curry, Lumpia, at Sardines.

Hinimok ni Mayor Antiporda ang patuloy na suporta ng publiko at gobyerno upang lalo pang mapalakas ang agri-festival at eco-tourism ng Buguey.

Facebook Comments