Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Balik Eskwela at Brigada Eskwela, nagtungo ang Alaminos City Library sa Alos Elementary School upang isagawa ang programang Araw ng Pagbasa para sa mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 6.
Mainit na tinanggap ng mga guro at mag-aaral ang nasabing programa sa pangunguna ni School Principal Dr. Noel Gerolaguin, na nagpahayag ng buong suporta sa adhikaing mapaunlad ang kultura ng pagbabasa sa hanay ng mga kabataan.
Naging masigla at makahulugan ang programa sa pamamagitan ng storytelling, puppet show, dance presentation, at iba pang interaktibong gawain na nagbigay-saya at inspirasyon sa mga mag-aaral.
Layunin ng Araw ng Pagbasa na mahikayat ang mga kabataan na linangin ang kanilang hilig sa pagbabasa at palawakin ang kanilang kaalaman sa pamamagitan ng mga aklat at iba pang mapagkukunan ng impormasyon.
Sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatiba, patuloy na isinusulong ng Alaminos City Library ang kahalagahan ng pagbabasa bilang pundasyon ng edukasyon at paghubog sa kinabukasan ng kabataan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











