18,000 MAG-AARAL SA BAYAMBANG, NAKATANGGAP NG SCHOOL SUPPLIES PARA SA BALIK-ESKWELA

Tinatayang nasa 18,000 mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 6 sa Bayambang, Pangasinan ang nakatanggap ng school supplies bilang bahagi ng paghahanda para sa pagbubukas ng School Year 2026–2027.

Kabilang sa ipinamahaging kagamitan ang plastic envelope, papel, notebook at lapis na maaaring magamit ng mga mag-aaral sa kanilang pagpasok sa paaralan.

Ayon sa lokal na pamahalaan, target nitong mabawasan ang ilan sa mga gastusin ng mga magulang para sa mga pangunahing gamit sa eskwela.

Kaugnay nito, may ibinigay ding libreng bag at ilang school supplies para sa mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 6 sa mga pampublikong paaralan naman ng Calasiao District 1 bilang suporta sa sektor ng edukasyon ngayong balik-eskwela. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments