Meralco, may bawas-singil sa kuryente ngayong Hulyo

61

Isa pang good news!

 

Bababa ang singil sa kuryente ng Meralco ngayong buwan.

 

Sa abiso, nasa P0.71 per kilowatt hour (kWh) ang inaasahang bawas-singil sa kuryente.


 

Paliwanag ng Meralco, bagama’t tumaas ang generation charge ay nabawi naman ito ng mahigit P21 billion na refund order ng Energy Regulatory Commission (ERC).

 

Kaya sa mga kabahayang kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan, aabot sa P142 ang bawas-singil sa inyong July billing.

 

P213 naman para sa mga kumokonsumo ng 300 kWh; P284 sa kada 400 kWh at P355 kung 500 kWh.



Facebook Comments