Metro Manila at siyam na lugar sa bansa, mananatili sa ilalim ng GCQ para sa buwan ng Enero

Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na mananatili sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ang 10 lugar sa bansa.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, inisa-isa ng Pangulo ang mga lugar na nasa ilalim ng GCQ.

Kinabibilangan ito ng Metro Manila, Isabela, Santiago City, Batangas, Iloilo City, Tacloban City, Lanao de Sur, Iligan City, Davao City at Davao del Norte.


Epektibo ang community quarantine classification mula January 1 hanggang 31, 2021.

Dagdag pa ng Pangulo, ang natitirang bahagi ng bansa ay nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Panawagan din ng Pangulo sa lahat na manatili sa loob ng kanilang bahay hanggang maaari at sundin ang minimum health protocols.

Facebook Comments