Mga abusadong rice importers at traders, dapat umpisahan nang tugusin ng DA

Kinalampag ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo ang Department of Agriculture (DA) sa pangunguna ni Sec. Francisco Tiu Laurel.

Ito ay para umpisahan nang hulihin ang mga mapagsamantalang rice importer at trader sa bansa na siyang dahilan aniya kung bakit mataas pa rin ang presyo ng bigas.

Giit ni Congressman Tulfo, ₱35 kada kilo ang presyo ng imported na bigas paglabas sa pier ng bansa kaya dapat ay hanggang ₱45 lang ang kilo nito sa palengke kung saan nakapaloob na pati ang kita ng rice retailer.


Pero dismayado si Tulfo na hindi bumababa sa ₱50 ang kilo ng bigas ngayon sa mga pamilihan sa bansa.

Malinaw para kay Tulfo na sa bulsa lang ng mga importer at trader napupunta lahat ng kita habang patuloy na pinapasan ng taumbayan ang mataas na presyo ng bigas.

Facebook Comments