Friday, August 21, 2026

MOBILE REGISTRATION SA SAN CARLOS CITY, IPINAGPALIBAN DAHIL SA MASAMANG PANAHON

Ipinagpaliban hanggang sa susunod na abiso ang ilang iskedyul ng Mobile Registration ng Office of the City Civil Registrar ng San Carlos City, Pangasinan dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan at masamang lagay ng panahon.

‎Kabilang sa mga ipinagpalibang iskedyul ang August 13 sa Barangay Talang, Agosto 14 sa Barangay Doyong, August 20 sa Barangay Mamarlào, at August 21 sa Barangay Cacaritan, na lahat sana ay alas-9 ng umaga.

‎Samantala, ang nakatakdang Mobile Registration sa August 27 sa Barangay Parayao at August 28 sa Barangay Bolingit na parehong alas-9 ng umaga, ay hinihintay pa ang panibagong anunsyo.

‎Bahagi ng Mobile Registration ang libreng delayed registration ng birth, LGU/PSA birth registration assistance, paggawad ng Certificate of Live Birth sa mga benepisyaryo ng Social Enhancement and Community Participation Assistance o SECPA at Birth Registration Assistance Program, gayundin ang National ID registration at information dissemination hinggil sa mga batas at regulasyon sa civil registration.

‎Pinapayuhan ang mga residente na hintayin ang susunod na abiso ng Office of the City Civil Registrar at Philippine Statistics Authority para sa bagong iskedyul. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments