DOT, SINURI ANG WELLNESS SITES SA MANAOAG PARA SA HEALTH TOURISM CIRCUIT SA REGION 1

Isinailalim sa inspeksyon at validation ng Department of Tourism Regional Office I ang ilang health and wellness sites sa Manaoag para sa pagbubuo ng Region I Health and Wellness Tourism Product and Circuit noong Mayo 15, 2026 .

Kabilang sa mga isinailalim sa assessment at validation ang Virgin’s Well, Grona Museum, Calvary Park, gayundin ang isang candle manufacturing site sa bayan.

Ayon sa DOT Regional Office I, nakatakda silang bumuo ng tourism package na magtatampok sa health, wellness at medical-related services sa rehiyon para makapanghikayat ng mga turistang naghahanap ng physical, mental at holistic wellness.

Inaasahan namang makatutulong ang naturang proyekto upang mapalakas ang turismo at lokal na ekonomiya sa Manaoag. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments