Mga bagong kaso ng COVID-19 sa PNP, nanatiling mataas

60

Mataas pa rin kada-araw ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Batay sa tala ng PNP Health Service, 349 na PNP personnel ang mga bagong nagkasakit.

Habang 482 naman ang mga bagong gumaling.


Wala namang nadagdag sa mga nasawi kaya nananatili ang bilang nito sa 126.

Sa ngayon, 3, 482 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP.

Facebook Comments