Mga bakunado na kontra COVID-19, hinihikayat na kumuha ng bagong version ng VaxCertPH

Hinihikayat ng Department of Health (DOH) ang mga nabakunahan na laban sa COVID-19 na kumuha ng bagong version ng VaxCertPH.

Ayon sa DOH, ang QR code ng mga naunang VaxCert ay hindi na mababasa at luma na kung kaya’t kailangan ng kumuha ng bagong sertipikasyon.

Bukod dito ay may bagong features din ang certificate na lumabas ngayong araw.


Maaaring bisitahin ang website na vaxcert.doh.gov.ph o ang mga local government website upang makakuha ng bagong vaccination certificate.

Facebook Comments