*MGA BATA NA BUMISITA SA MGA SEMENTERYO SA DAGUPAN, BINIGYAN NG NAME TAGS *
Namahagi ng libreng name tags ang Dagupan City Police Office sa mga batang edad pitong taong gulang pababa na bumisita sa mga sementeryo ngayong Undas 2026.
Pinangunahan ng mga tauhan ng Police Station 4 ang pamamahagi ng name tags, kasabay ng libreng pamaypay, bottled water at kandila sa mga dumalaw sa sementeryo.
Bahagi ito ng paghahanda ng kapulisan para matulungan ang mga pamilya, lalo na ang mga may kasamang maliliit na bata, sa gitna ng dagsa ng mga bisita ngayong Undas.
Ayon sa pulisya, target ng inisyatiba na mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa paggunita ng Araw ng mga Santo at Araw ng mga Kaluluwa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣[U1]
——————————
[U1] *MGA BATA NA BUMISITA SA MGA SEMENTERYO SA DAGUPAN, BINIGYAN NG NAME TAGS *
Namahagi ng libreng name tags ang Dagupan City Police Office sa mga batang edad pitong taong gulang pababa na bumisita sa mga sementeryo ngayong Undas 2026.
Pinangunahan ng mga tauhan ng Police Station 4 ang pamamahagi ng name tags, kasabay ng libreng pamaypay, bottled water at kandila sa mga dumalaw sa sementeryo.
Bahagi ito ng paghahanda ng kapulisan para matulungan ang mga pamilya, lalo na ang mga may kasamang maliliit na bata, sa gitna ng dagsa ng mga bisita ngayong Undas.
Ayon sa pulisya, target ng inisyatiba na mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa paggunita ng Araw ng mga Santo at Araw ng mga Kaluluwa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










