Mga batang dose anyos pababa, hindi papayagan sa Manila North Cemetery sa Undas

Naglabas ng panuntunan ang Manila North Cemetery para sa mga tutungo sa nasabing sementeryo sa Undas.

Kabilang dito ang paalala na bubuksan lamang ang main gate nito mula alas-5:00 ng madaling araw hanggang alas-5:00 ng hapon.

Ito ay mula sa October 29 hanggang sa November 2.


Ang gates 2 at 3 naman ay bubuksan para sa exit lamang ng mga tao mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Hindi naman papapasukin ang mga bata na may edad 12 pababa gayundin ang mga hindi bakunado.

Bawal din pumasok sa loob ang E-trike, motorsiklo, bisikleta at tricycle.

Bawal din sa Manila North Cemetery ang vendors, flammable, sound system, mga nakakalasing na inumin, baraha at matutulis na bagay.312

Facebook Comments