Mga dalaw sa PDLs sa NBP, muling binuksan ng BuCor

56

Muling pinahintulutan ng pamunuan ng Bureau of Correction (BuCor) ang pagbisita sa mga Person Deprived of Liberty o PDL ng kanilang mga pamilya.

Ayon sa BuCor, pansamantalang ipinagbabawal ng Bucor ang dalaw sa kasagsagan ng COVID-19 dahil pinangangalagaan nila ang kaligtasan sa kalusugan ng bawat bilanggo.

Mahigpit pa rin na pinaiiral ng Bucor ang health protocols sa mga pamilyang dadalaw sa kanilang mahal sa buhay na nakapiit sa maximum, medium at minimum security compound ng New Bilibid Prison (NBP).


Paliwanag pa ng Bucor na ang muling pagpahintulot sa mga dalaw kung saan layunin ng BuCor na mabawasan ang emotional at stress na nararamdaman ng mga bilanggo dahil na rin sa ipinatutupad na mahigpit na health protocols sa loob ng NBP dulot ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments