
Na-recover ang dalawang nawawalang pasahero ng lumubog na motorbanca sa Mapanuepe Lake sa San Marcelino, Zambales noong August 27.
Base sa impormasyong inilabas ng Philippine Coast Guard (PCG), kabilang sa na-recover ang labi ng isang menor de edad na babae at isang menor de edad na lalaki na parehong nakita ng mga residente ng Barangay Buhawen 50 metro mula sa pinangyarihan ng insidente.
Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, nagpapatuloy pa rin ang Search and Rescue operations ng mga tauhan ng PCG para sa isa pang nawawalang pasahero ng motorbanca.
Facebook Comments










