Huwag nang mamili pa ng bakuna.
Ito ang naging payo ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa mga empleyado ng Philippine General Hospital.
Ito ay matapos ang isinagawang internal survey ng PGH kung saan 72% lamang ang nagsabing handa silang magpabakuna.
Ayon kay Duque, ang mga bakunang ituturok sa kanila ay dumaan sa mahigpit na pagsusuri ng Department of Science and Technology at ng Vaccine Expert Panel (VEP) bago bigyan ng Emergency Use Authority (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA).
“Wag lang po tayong mamimili kung anong bakuna. Because dito po, ang bakuna, basta’t dumaan po ito sa pagsusuri ng ating DOST vaccine expert panel, at matapos ang ating single joint review ethics board, at tapos ipapasa po yung listahan ng mga bakunang nasuri, ang FDA naman ang siyang magbibigay ng Emergency Use Authorization, based on the regulatory and technical evaluation” giit ni Duque.
Kasunod nito, hinimok naman ni UP-PGH Director Dr. Gerardo legaspi ang kanilang mga empleyado na pagkatiwalaan ang mga bakunang ipapamahagi ng gobyerno.