Isinagawa noong Hunyo 9, sa Brgy. Sobol, San Fabian, Pangasinan ang isang mangrove planting activity kasabay ng Philippine Environment Month at Coral Triangle Day 2026.
Ayon sa ulat, kabuuang 500 mangrove propagules ang itinanim sa mga baybayin ng barangay.
Inuna umano ang dalampasigan dahil sa maaaring panganib na idulot ng pagguho ng lupa, lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.
Pinangunahan ang pagtatanim ng Resources Office–Pangasinan at Community Environment and Natural Resources Office–Central Pangasinan, sa suporta ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region 1.
Ito ay isinagawa sa ilalim PENRO Conservation and Development Section, katuwang ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)–Dagupan, mga opisyal ng Barangay Sobol, at iba pang volunteers. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










