Mga fully vaccinated sa Quezon City, pumalo na sa 2.3-M

Umakyat na sa 2,328,208 ang fully vaccinated na individual sa lungsod ng Quezon makaraang madagdagan ng 5,079 na nabakunahan kontra COVID-19.

Ayon sa QC local government, sa nasabing bilang, kasama na rito ang naturukan ng single-dose vaccine na Janssen.

Umabot na rin sa 2,235,024 ang bilang ng mga naninirahan at manggagawa sa lungsod ang naturukan ng isang dose ng vaccine.


Habang nasa 278,422 ng mga kabataang with or without comorbidity ang nabakunahan laban sa COVID-19.

Dahil dito’y umabot na sa kabuuang 5,348,959 doses ng bakuna ang naiturok na ng local government sa QC.

Facebook Comments