Ilang pantalan sa Luzon na nasa pangangasiwa ng Philippine Coast Guard, nagtamo ng minor na mga pinsala bunga ng malakas na lindol kanina

60

Walang major na pinsala na naitala ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pantalan na pinangangasiwaan nito.

Ayon sa PCG, hairline cracks o maliliit na bitak lamang ang naitala sa Port of Currimao sa Ilocos Norte at sa Passenger Terminal Building sa Claveria, Cagayan kaya normal ang operasyon dito.

Sa Port Management Office naman sa National Capital Region-South Harbor ay may nakita namang minor cracks sa dingding pero patuloy pa ang inspeksyon ng engineering.


Sa Port Management Office naman sa Mindoro ay walang naitalang pinsala.

Habang sa Port Management Office of Bataan/Aurora ay patuloy pa silang naghihintay ng report ng assessment.

Sa Port Management Office naman sa Bicol ay walang naitalang pinsala gayundin sa Port Management Office sa Palawan at sa Port Management Office ng Masbate.



Facebook Comments