Friday, October 9, 2026

PBBM, iginiit na negosyo at ugnayan ang pakay niya sa pagdalo sa F1 race

Kinumpirma mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dadalo siya sa Formula 1 Grand Prix sa Singapore sa October 11, sa gitna ng kaniyang working visit sa naturang bansa.

Sa panayam ng The Straits Times sa Singapore, sinabi ng pangulo na maraming personalidad mula sa iba’t ibang bansa ang dumadalo sa F1 kaya nagiging pagkakataon ito para makabuo ng mahahalagang ugnayan sa mga lider at negosyante, at makahanap ng potensyal na mamumuhunan.

Ibinahagi ni Marcos na sa dati niyang pagdalo sa karera, nakilala niya si dating Singapore Prime Minister Lee Kuan Yew at ilang negosyante.

Binigyang-diin ng pangulo na mahalaga ang harapang pag-uusap sa pagpapatatag ng mga ugnayang pampulitika at pangnegosyo.

Gayunman, sinabi ng pangulo na limitado ang oras niya sa panonood dahil sa iba pa niyang opisyal na aktibidad sa Singapore.

Kinumpirma na rin ng Malacañang na tinanggap ni Pangulong Marcos Jr., ang imbitasyon ni Singapore Prime Minister Lawrence Wong na dumalo sa F1, kasunod ng mga batikos ng ilang grupo.

Facebook Comments