Isa sa mga mahahalagang usapin na tinalakay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ay ang paghahanda ng pamahalaan laban sa mga kalamidad, partikular sa mga super typhoon na patuloy na nagiging malaking hamon sa mga Pilipino.
Ayon sa Pangulo, bukod sa mahigit 137 evacuation centers na naitayo na, magsisimula na ring magpatayo ang pamahalaan ng mga Ligtas Pinoy Centers sa iba’t ibang panig ng bansa, lalo na sa mga lugar na madalas tamaan ng malalakas na bagyo.
Ang mga pasilidad na ito ay idinisenyo upang makayanan ang super typhoon na may lakas ng hanging aabot sa 340 kilometro bawat oras, gayundin ang magnitude 8.4 na lindol.
Nabanggit din ng Pangulo ang planong pag-amyenda sa National Building Code upang matiyak na mas matibay at mas ligtas ang mgaimprastraktura sa harap ng mga kalamidad.
Tinalakay rin ni Pangulong Marcos ang pagpapatupad ng programang Oplan Kontra Baha sa buong bansa.
Kabilang sa mga hakbang ang malawakang paglilinis ng mga kanal, daluyanng tubig, at mga estero upang mabawasan ang pagbaha.
Iginiit din ng Pangulo ang kahalagahan ng tamang pagtatapon ng basura at pakikiisa ngbawat mamamayan sa pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran.
Samantala, inihayag din ng Pangulo nanakapagtanim na ang pamahalaan ng humigit-kumulang 18 milyong puno.
Layunin din ngadministrasyon na makapagtanim ng kabuuang 100 milyong puno ng niyog sa buong Pilipinas bago matapos ang kanyang termino. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








