Mga hindi bakunado, maaring makiisa sa campaign sorties ng mga kandidato

108

Nilinaw ng Department of the Interior and Local Government na puwedeng makiisa sa campaign rallies at sorties ang mga hindi vaccinated.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DILG Usec. Epimaco Densing na alinsunod sa alituntunin ng Inter-Agency Task Force (IATF), kapag nasa Alert Level 1 na ang lugar ay maaaring lumabas at makiisa sa campaign activities ang mga hindi bakunado basta’t outdoor venue.

Pinapayagan na rin kasi ang 100% outdoor venue capacity basta’t dapat ay nakakasunod pa rin sa social distancing at huwag tatanggalin ang face mask.


Kapag indoor naman aniya ang campaign activity ay hindi puwede ang mga hindi bakunado.

Dapat lamang ay mahigpit at ipinatutupad itong maigi ng campaign coordinators upang matiyak na ligtas ang kanilang aktibidad at hindi magkakaroon ng super spreader event.

Facebook Comments