Sunday, September 27, 2026

Pagtugis sa mga recruiter, trafficker, at sindikatong nananamantala sa ating mga kababayan, dapat magpatuloy kahit nakalaya na si Mary Jane Veloso

Nanawagan si Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes na gawing puspusan ang pagtugis sa mga recruiter, trafficker, at sindikatong nananamantala sa kahinaan at pangangailangan ng ating mga kababayan.

Masaya si Ordanes sa absolute pardon na iginawad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Mary Jane Veloso matapos ang 15 taong pagkabilanggo.

Pero giit ni Ordanes, hindi dito dapat magtapos ang laban para tiyak na mapanagot ang mga recruiters at human traffickers.

Ayon kay Ordanes, ang aral sa kaso ni Mary Jane ay hindi sapat na mailigtas natin ang isang biktima kapag nangyari na ang trahedya.

Diin ni Ordanes, ang kailangan ay mapigilan mismo ang mga sindikatong nagsasamantala sa mga Pilipinong naghahanap lamang ng disenteng kabuhayan.

Facebook Comments