Bed at ICU occupancy rate sa NCR, tumaas – OCTA

45

Umakyat na sa 29% ang hospital occupancy rate sa National Capital Region.

Ayon kay OCTA Research Team Fellow Dr. Guido David, mula sa 17% noong December 26, 2021 ay tumaas na sa 29% ang COVID-19 hospital beds occupancy nitong January 2, 2022.

Bukod dito, umakyat din sa 29% mula sa dating 21% ang Intensive Care Unit occupancy rate.


Nakikita ni David, mabilis na napupuno ang mga kama na nakalaan para sa mga COVID-19 patient kumpara sa mga nasa ICU.

Sa kabila nito, nananatiling nasa “very low level” pa rin aniya ang hospital beds occupancy at ICU occupancy sa Metro Manila kumpara sa naitalang pagtaas sa kasagsagan ng COVID-19 surge noong nakaraang taon dahil sa Delta variant.

Facebook Comments